Monday, October 22, 2012 0 comments

Not Me Please

10/22/2012

Anu ba nangyayari sakin emo na naman ako. Kidding aside, I am having some sort of depression given my present condition like now knowing that I failed my Calculus subject and not so sure to the others specially in Physics and Social Science. I must understand if I will fail my Physics subject but Social Science?? You must be kidding me!! Yeah I know, I blame myself for not showing most of the time in the class and for not making it serious to study. I'm so stupid! And then earlier, my classmate pm me that all of us pass the Social Science subject except for one poor guy. If that will be me "Oh my HoLLy!!!", I will not forgive myself. And besides there's no room for regrets shit already happens, it cannot be back but I cant help myself to think about it. All of the efforts I wasted specially my Father's effort to give us the life He thinks we deserved and also the time matters most for me. I want to cry it out, all of it but simply I cant.

Another thing is I am badly looking for a person, a friend or simply a stranger to talk to. I want to spill out all my sadness and regrets to that person. I am looking for comfort or simply one who will encourage me that I must not think of this problems and just focus on the present and to my future. But once again I have failed. There's no one to talk to, except that I am left to my room alone lying on my bed in front of my laptop and typing this blog. God please help me! 




This is not enough,
Juan
Saturday, October 20, 2012 0 comments

The Wedding

10/20/2012

--> Special entry toh, para sa pinakamamahal kong Pinsan. :)

It's just like yesterday that I beg my cousin to go for me at my classmate's crib for a small party. As it happens, that was my first time to go to my classmate house that's why I invited her because I am not good at locating houses and asking some strangers for an address. On the other hand,  she has an unbelievable communication skills and charismatic personality. That is the time when she meets the man of her life, the man na pinakasalan nya kanina. At first ayaw ko sa kanya, muka kasing misteryoso at babaero ang first impression ko but as the time passes by nakilala ko din sya and I told myself OK naman pala. It all started when I invited my cousin to join me in a party and then she met this guy and they started dating each other specially sa Ran,  yes yung online game, uso kasi noon ang Ran pero were playing a private server not the official Ran PH that time. And then this guy frequently visits her at her house otherwise we visited him to my classmate's house (Oo kami ng kuya ko, kaklase ko, at ako ang naging tulay. Haha). And then boom!, it all ended in a civil wedding. But hindi pa nagtatapos yan kasi  3 months pregnant na ang pinsan ko and that will mark another journey for both of them as a responsible parent. 

Maalala ko lang 2 days before the wedding she visited me at our house then napag usapan nga namin yung tungkol sa wedding and I told her "Boo parang kelan lang, pumunta tayo sa bahay nila Kenneth, tapos nakilala mo sya. Adik pa tayo sa Ran nun" and then she replies with an enthusiastic smile on her face "Ikaw kasi ang may kasalanan ng lahat ng toh eh. Haha!". Ou nga naman kung hindi dahil sakin hindi siguro sila magkaka kilala, destiny nga naman bigla biglang sumusulpot in unexpected way, time, place and people. Sana ako din :)




I am happy for you my Dearest Boo,
Juan
Friday, October 19, 2012 0 comments

Life Must Go On

10/20/2012

Trip kong mag type ngayon kaya eto na ang update ko for this day kahit na hindi pa natatapos ang araw na to. Well, hindi pa rin ako nabubunutan ng tinik kasi hindi ko pa rin maaalis sa isipan ko na bagsak ako sa calculus at hindi pa jan natatapos ang aking kaba dahil alam ko sa sarili ko na alanganin parin ako sa physics, social science at draw. Galing ano? Wala akong kwentang estudyante at anak sinayang ko lang naman ang isang sem, at ang perang dugo't pawis na pinaghirapan ng papa ko at ang oras na kelan man hinding hindi ko na maibabalik. Saksi ka sa pagkain sakin sa mismong mga salita na sa akin nanggaling. Sa blog na toh nangako ako noon na magbabago na ko pero wala pa ring pinagbago ganun  parin yung dating Juan - tamad, iresponsable, hindi nagiisip, pabara - bara, mahilig sa rush at kung anu - anu pang hindi mo maiisip sa isang engineering student.

But to all worse things happening right now, I must say I deserved it. Ginusto ko to, alam ko ang mga pwedeng mangyari sa mga walang kakwenta - kwentang bagay na ginawa ko. Kaya haharapin ko to ng buong AKO. Isa tong exam na susubok sa kung gaanong katatag ang prinsipyo at paniniwala ko sa sarili ko. Yung nga lang hindi allowed ang erasures at pag bumagsak ka wala ng retake o removal exam. Pero isa lang ang masasabi ko, I DONT HAVE THE RIGHTS TO BLAME ANYONE EXCEPT TO MYSELF. HINDI AKO SUSUKO! HANDA AKONG PANAGUTAN KUNG ANUMANG KATARANTADUHAN ANG MGA PINAG - GAGAWA KO NOONG MGA PANAHONG DAPAT NAGAARAL AKO! 


Life must go on sabi nga nila, at alam ko sarili ko makakayanan ko to with the help of my friends, family and specially with the help of our LORD. :)





Emo ako,
Juan
0 comments

2 Things

10/19/2012


2 things, good and bad news for this day. The good news is my finals in Computer Lab is good, i got 80 even though I didn't make the program run. Another thing is that we've won our 2nd game in our DOTA tournament. And the bad news is that I have failed once again, this time my Calculus subject. Watch out for more ;(.



I deserve what i got,
Juan

Thursday, October 18, 2012 0 comments

P.E Final Examination and Dota Tournament

10/18/2012

Ayus ang araw na toh, after computing our final grades in P.E guess what, naka 1.75 pa ko sa chess na wala akong kamalay malay, haha. Madali naman kasi ang finals regarding sa history and techniques lang sa chess. Naalala ko last semester na gymnastic ang P.E ko naka 1.75 din ako by group kasi yun at galit na galit ang mga groupmates ko dahil minsan lang ako umattend ng practice eh naka 1.75 pa ko, haha. Kasi naman busy din ang Kuya mo sa practice sa pageant. Yeah right, that time kasali ako sa pageant at ayoko ng pagusapan yun, haha bitter?. Hindi naman basta masyadong mahaba ang mga pangyayari. At isa pa nga pala tutal magbabakasyon din naman nag set ang mga kaklase kong lalaki ng tournament sa dota, mga kabarkada ko din yun dati kahit hanggang ngayon din naman, kaso hindi na ko nasasabay maglaro at umuwi kasama sila. Ang mga kasama ko nga yun ay dalawang lalaki na kasamahan ko din dati sa una kong barkada at tatlong babae, masaya  kasi pag may babae. Tsaka ko na ikekwento yung tungkol dun pag may time, haha. Ayun, as usual talo kami sa first game kalabanin ba naman ang halimaw kong kaklase sa dota, kung baga sya yung pinakamalakas samin kasama pa yung isa kong kaklase na malakas din. Grabe imba ang line up, well wala na kong magagawa, tapos yung isa pa naming kakampi eh hindi naman sa pagmamagaling na farm pa, hinayaan pa naman namin na mag solo lane. Haha, ok lang yan first game pa lang naman may 2nd game pa, puso lang. Hanggang dito nalang para sa araw na toh, bukas nalang ulit finals pa namin sa computer lab.





Hindi pa rin sya nagpaparamdam,
Juan
0 comments

Mechanics Final Examination at si Crush Nag - Reply

10/17/2012

Dapat kahapon ko pa na post to eh, umepal kc yung pinsan ko o sya eto na.

Yeah! Another finals done kanina sa Physics. Multiple choice lang naman lahat, 2 types ang exam, yung isa 1-50 ay comprehension parang application lang sa principles ng lahat na naituro at yung isa ay problem solving 51 - 75 (2 points each). Hanep yan mahirap pa yung comprehension type kasi ang daming terms patay ka kung hindi mo alam yung mga principles ni Pareng Einstein at Newton. Yung tipong 1st,2nd and 3rd law of motion samahan mo ng rectilinear, momentum at circular motion dagdagan mo pa sa concept ng conical pendulum. Hindi pa naman ako nagbasa basta nireview ko lang yung mga problems at formula, hanep na yan given naman pala. Bukas sa P.E naman which is chess, hindi ko alam kung bakit ang mga nagiging P.E ko ay yung mga larong hindi ko pa nalalaro sa tana ng buhay ko, last year basketball at gymnastics anu naman kaya sa susunod. Then sa Friday ay finals sa Computer Lab which is the application of C Language then tapos nun tapus na Yipeeee! Ewan ko kung ilan ang bagsak ko, ayoko ng bilangin yung pasa yung bagsak nalang ;(.

Regarding nga pala kahapon (10/16/2012), hindi na ko nakapag update tinatamad kasi ko. Tungkol dun kay crush, naka text ko na nga sya. Ako ang nag open ng conversation then guess what? Ang reply nya "cno to? sensya na yung number nyo po nakasave sa isa kong cp. Iba kasi gamit ko now" Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ko at nagreply sya o kung magtatampo ko kasi hindi man lang sya nagsabi na magiiba sya ng cp. Anyways wala naman akong karapatan basta ang mahalaga naka text ko sya, haha. Nagusap lang kami tungkol sa college life namin, then when the time I asked her kung sino ang lucky boy nya ang sagot nya ay "wala akong ganun, haha". Well good yun para sakin, ako ang bagay sa kanya haha. But kung kelan naman gumaganda ang usapan tsaka sya nagpaalam na test na daw nila sa accounting. I dont know kung escape goat nya lang yun sa topic o kung talagang totoo, basta after that conversation hindi na sya nagtext until now kahit sa mga gm ko. Yun lang. :(.



Nakakainis naman oh,
Juan (emo)
Monday, October 15, 2012 0 comments

Finals

10/15/2012

Nakakapagod ang araw na toh dahil final exam sa Calculus at Social Science. Yung bang para kang grade 1 na walang ka alam - alam sa mga nangyayari tapos binigyan ka ng napakahirap na test sa Calculus, buseet lang. Sa totoo lang siguro masasagot ko yun kung nagaaral talaga ko ng mabuti at kung nagrereview ako, well the problem is still resides on me at wala akong pedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Regarding sa final examination namin sa SocSci eh ayus naman sa tingin ko maipapasa ko naman yung quiz ewan ko nga lang sa finals. Haha! Sige Juan tumawa ka ngayon for sure iiyak ka later. 





Kidding aside, ang bumuo talaga ng araw ko ay yung makita ko ang tweet ng aking kaisa isang crush saying "I love when you text me first, cause then I know you're thinking about me. Text mo na ako ng "bia" rereplyan kita :)". Hindi kaya nakita nya lang yun, nagandahan at tsaka nya pinost? Pero kung ganun nga malamang may gusto syang patamaan sa post nya na yun. Hayys! Sino naman kaya yun? Oo umaasa akong sana ako nga yun pero ayokong masyadong umasa at baka madisappoint na naman ako. Kaya siguro hindi sya nagrereply sa mga gm ko kasi gm lang yun, baka gusto nya pm? Kaso ang epal kong kaklase pinaglaruan ang cp at ayun nalowbat hindi ko sya tuloy natext, 'till 7pm pa naman ang klase ko kanina.  Siguro by tommorow text ko sya at sana maging maganda ang flow ng conversation namin kung sakaling magreply sya. Hanggang dito na lamang at akoy inaantok na and let's see what will happen tommorow.




Magandang gabi,
Juan


Sunday, October 14, 2012 2 comments

Dysphoria strikes once again. :(

 10/14/2012

Ang laki ng kasalanan ko sayo my dearest diary. HAHA. Ang tagal kong hindi nag update. I am so sorry. By the way to sum up all the things happen for the previous months, everything was all "FINE". Nasabi kong fine kasi nothing so special happened to post and besides gaya ng dati merong mga times na badtrip, masaya, malungkot, emo, lasing, trip - trip at kung ano ano pa. Ewan ko ba kung bakit nakapag post ako ngayon, siguro dahil kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko teka emo?HAHA. Hindi naman siguro I just felt left alone. Hindi ko alam meron naman akong mga kaibigan na talaga namang supportive and nagpapasaya sakin pero to the society I belong there is something I really do want to happen but the thing is I never meet that expectations. And one more thing is bothering me, my crush, a childhood friend of mine. And I am loving her as of the moment i am typing this words. But the thing is I don't really know if she got any feelings with me. Hindi naman kasi kami magkaklase ngayong college pero were on the same University at ang maganda dun malapit lang sya samin. Madalas lang kaming magkausap through chat on Facebook or otherwise kapag nakakasalubong ko sya samin. Pero tsaka na sa crush thing ko na to kasi talagang hindi maganda ang aura ko ngayon, I am having dysphoric feelings I cant even explain. Hindi kaya dahil feeling ko wala lang ako sa kanya, na kapag may kailangan lang sya tsaka nya lang ako kakamustahin at she's so obsessed texting to a anonymous guy while when I texted her even a blank or wrong sent message is wala akong matanggap. Tapos dumagdag pa yung oral defense namin kahapon. Ok naman kaso hindi maganda yung delivery namin, hindi kasi namin sineryoso masyado, but the good thing is nakasagot naman ako sa tanong ng prof. ko. At sumabay pa ngayong week ang sunod sunod na final examinations namin. 

Basta nakaka badtrip, pagka magloload ka walang magtetext sayo pero pag hindi ka naman nag  load there is someone na parang bula na magpaparamdam sayo. Minsan nga totally wala, buti pa si 4438 kahit papano nakaka alala. Ganun din sa Facebook ang notifications ko puno ng nonsense game request other than that wala na, no pm's, wallposts or likes. It just like I don't even exist. Buti nalang nanjan si God na makakausap ko at available anytime and anywhere at ang diary ko na to kung saan maitatapon ko lahat ng feelings and thoughts ko.

Basta I feel so alone that no one cares for. Hope this sadness fades soon. ;(


Wish me goodluck my dearest diary,
Juan
 
;