March 3, 2013 
09:44 am


Bago ang lahat nais kong batiin ang aking sarili ng "Happy Easter!" at kung sino mang mabait na lamang lupa ang nagbabasa nito ngayon. Just what I've said on my previous post i'll be back again on posting my story here in Diary Ni Juan kaya eto na ibabalik ko na ang nahintong momentum ko sa pagsusulat sa bagong notes section.

Tatlong buwan na pala ang nakakalipas mula ng huli kong sulat dito, sa tatlong buwan na yon napakadaming bagay ang nangyari mayroong mga importanteng bagay, meron namang hindi mo inaasahan at meron ding mga bagay na ipagdadasal mong sana hindi na nangyari. Pero gayon pa man  sabi nga nila "everything happens for a reason" so, kukumbinsihin ko na ang sarili ko sa katagang yon. Hindi ko na kailangang isa-isahin pa ang mga bagay na nangyari sakin na hindi ko naisulat dito sa nakalipas na tatlong buwan sapagkat may sarili akong dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Pero sige, magbibigay ako ng pahapyaw kung ano ba ang nangyari sa nakalipas na tatlong buwang iyon. Tatlong bagay; una, bumagsak ako sa Physics at Differential Calculus which means nag special class ako ngayon which is in fact tapos na nga, ewan ko nga lang kung pasado ko at syempre magsusumer ako para habulin ang Integral Calculus at Physics 2. Ikalawa, dumating na nga pala ang pinakamamahal kong Papa na may napakagandang balitang hindi na sya magaabroad ulit at ang ikatlo, wala pa rin akong lovelife (HAHA, epic fail). 

So, yun na yun. Pero sinadya ko talagang magsulat ngayong Easter Sunday o ang Pasko ng Pagkabuhay ni JesuCristo. Iisa lang ang dahilan ko at yun ay dahil sa pinatay ko na ang dating ako at tulad ni JesuCristo muli akong binigyan ng pagkakataon upang muling makapag bago mula sa mga masasama at hindi magagandang bagay na nakaugalian ko both physically, mentally, academically at syempre spiritually. Ang pinagdadasal ko lamang sana hindi na ko bukangbibig lamang sana puro gawa at wag nang puro hangas at pangako kasi lagi lang akong napapako ng mga salita ko. I will be setting my priorities in order for me to meet my goals and setting aside the unnecessary and temporary unimportant things.

Wala ay este sana wala na kong ibagsak sa susunod na sem. Gusto ko pagdating ng March pa petiks petiks nalang ako at hindi namoroblema kung pasado ba o hindi. Sayang ang oras at perang ginugugol ng Papa ko sa pagpapa aral samin kung magpapaka tarantado na naman ako at talagang hiyang hiya na ko sa Papa ko to the point na hindi ko na sya matignan ng deretso sa mata. Gusto ko maging proud sila sakin lalo na sya para naman maramdaman nya ang bunga ng lahat ng pinagpaguran nya. Ang hinihingi ko lang naman sa Diyos ay oras, oras para makapagbago at maitama ang maling bagay na naka gawian ko at eto na nga binigay nya. Kaya labis-labis ang aking pasasalamat sa Dakilang Tagapaglikha at Panginoong JesuCristo for giving me "always" another chance para makapagbago at muling bumalik sa kanila. Sa totoo lang, hindi napapagod ang Diyos sa pagpapatawad sa atin kung hindi, tayo pa ang napapagod na humingi ng tawad sa kanya.

So yun na yun, nasabi ko na ang panimulang post ko at sana magtuloy-tuloy na to.

God Bless Us All and don't forget to spread the Love of God.


Yours truly,
Juan

0 comments:

 
;