Halos hindi ko naman na feel ang dalawang buwan na bakasyon panu naman kasi nag summer class ako. Oo tama, nag summer ako, sa totoo lang nagpapetiks - petiks ako sa first year of college ko. Dahil medyo maluwag ang sched ko hindi ko iniisip ang mga bagay na dapat ginagawa ko, sa halip nag pa easy easy ako. Kala ko kasi parang sa highschool lang, na kahit mejo malate ako ayus lang o kaya naman kung mapagtripan kong umabsent okey lang basta may "revised excuse letter" ako. Pero iba pala talaga sa college, malate ka lang parang na missed mo na ang kalahating araw, ang umabsent pa kaya? Sa college nga pla walang paki elam ang mga prof. mo kung pumasok ka o hindi basta magtuturo sila as long na may studyante pang present sa klase. Pero may iba rin naman na prof. na spoon feeding ang way of teaching, iba iba depende parin talaga sa prof. mo. Madami rin akong late days na pagpasok kasi inisip ko minor naman ang first subject ko kaya ayus lang. Doon ko natutunan na kung ano pa ang minor sila pang ang masyadong pa importante pa major kung baga? Sangkatutak na assignments, memorization type of exams at sobrang mahal na projects. Naala ko tuloy yung project namin sa Filipino, may Film Showing daw at bibili kami ng ticket worth P150 for our project then mag pass kami ng reaction paper ngayon kung ayaw mong magbayad madali lang naman daw sabi ng Prof. ko dahil hindi sya namimilit, mag pasa nalang daw kami ng isang Filipino film review kompleto kasama ang lahat ng mechanics pati mga tauhan, settings, conflicts at dapat daw 50 pages ang minimum. Wagas! Nga-nga kaming lahat. Parang sinabi na ng Prof. namin na kung hindi kami bibili ng ticket magdusa kayo mga kuripot! Totoo nga yung sabi nila sa college, dala dala mo ang sarili mo. Instead of preparing for my incoming exams nag DOTA, natulog at nag nag fb lang ako. At hindi ko na rin matandaan kung kelan ako huling nagreview pag may exam. Naalala ko lang yung motto namin ng isa ko pang classmate "common sense lang yan", effective naman sya pagdating sa minor subjects pero kapag major na, "bahala na si Batman". As an Engineering student major namin ang sangkatutak na Math and Science like College Algebra, Trigonometry at Chemistry yan ang tatlong halimaw na subject sa first year panira ng utak, kumbaga. Pero kaya naman basta magtiya - tiyaga ka lang.
Pero hindi ko ginawa ang blog na to para mag reklamo nang mag reklamo sa mga bagay na nararanasan ko sa buhay kolehiyo kung hindi upang magsilbing diary ng pangaraw - araw kong buhay as an engineering student. Gusto kong isulat dito ang lahat na natutunan ko sa bawat pagkakamali na nagagawa ko. Gusto kong makita kung paano ako babangon sa bawat pagbagsak ko. Gusto ko rin makita dito ang mga tagumpay sa kabila ng mga paghihirap ko. Ito ang magsisilbing album ng buhay ko. This time iba na, may gusto kasi kong patunayan , na hindi na ako yung dati na pa easy easy lang, tamad at iresponsable. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman ako BOBO(tanga nga lang kung minsan). At gusto ko, minsan dadalawin ko na lang ang blog ko na toh, matatawa sa mga bagay na pinaggagawa ko at ma inspire sa mga storya I na pinopost ko dito. I dont wanna waste the another year of my college time for so many things na hindi naman talaga mahalaga. I must learn to set my priorities, kung ano ba talaga ang mas mahalaga then yun ang uunahin ko at tsaka na ang mga ibang bagay. Dapat malaman ko ang mga bagay na kailangan kong gawin at ang mga bagay na gusto ko lang gawin. This time totoo na toh. Promise! (Yan naka bold pa =D)
Juan Banyaga
Ako si JUAN BANYAGA nangangakong "Pagbubutihan ko na ang aking pag - aaral sa abot ng aking makakaya".



1 comments:
No deposit casinos - Casinowed.com
Top online casinos accepting US 인카지노 players 2021 - Learn the casino, the most popular casino septcasino bonus. Play the casino bonus games, choegocasino including poker, blackjack,
Post a Comment