Sunday, May 27, 2012

Malas? Baka ikaw!!




"Hindi ako naniniwala sa salitang MALAS,
Bago mo ko tanungin kung bakit,
bat di ka muna mag pasalamat at nabubuhay ka pa ngayon at nagagawa mo pang magreklamo sa mga bagay na hindi mo makuha kuha, sa mga bagay na gusto mong mangyari pero kabaliktaran ang lumalabas at kung anu anu pang maka mundong bagay na pinipilit mong angkinin pero hindi mapa sayo.Sa totoo lang nyan eh ang pagiging SAKIM mo ang nagpapamalas sayo.!

Kung ma22nan mong maging kuntento sa mga bagay na meron ka, pustahan tayo daig mo pa si Manny Paquiao."

Sinulat ko ang qoutation na yan para sakin the time na napaka emotional ko, na ang feeling ko parang walang mangyayaring mabuti sa buhay ko. Ewan ko ba that time kasi katakot -  takot na kamalasan ang nangyayari sakin. I failed my exam, napahiya and then pagdating mo pa sa bahay sasabayan ka pa nang init ng ulo ng mga kasama mo. Hay nako! Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko that day, na para bang gusto ko nalang itulog ang buong araw para kinabukasan wala na. Then naisip ko na rin ang iba pang problems ko, ewan ko ba kung problema nga ba ang matagal na hindi ko pagkakaron ng gf after my previous relationship. Hindi naman ako panget and satingin ko naman i owned a different pleasing personality. At marami pang iba na sa tingin ko hindi ko naman talaga dapat problemahin. Ang ginawa ko nalang to reduce the bad aura circling around my mind is to play with my laptop then let the music on it serenade my heart and syempre surf the web. I listen to some random music of the bands Secondhand Serenade,Evanescence,Mayday parade and even the 80's like Airsupply, The Beatles and Scorpions. I just want to clarify na hindi ako EMO and hindi rin ako INLOVE, Haha. Basta yung mga kanta nila ang nagpapagaan ng loob ko. 

And believe it or not, gumaan nga ang loob ko, the best talagang remedy ang music pagdating sa emotional illness ko. Haha. And then, given my previous feelings i come up to realization of my problems na; "Minsan tayo lang talaga ang gumagawa ng sarili nating problema" I failed the exam 'cause i dint prepare much for it. Sa school ko nalang nireview ang subject a couple of minutes before the exam. And "Hindi porket napahiya ka sa madaming tao, binasted ka ng nililigawan mo, natae ka sa short mo, dalawang taon ka ng walang syota, nawala ang bente pesos sa pitaka mo, nadukutan ka, minanyak ka o kung anu pa man ay masasabi mo nang malas ka dahil sadyang nangyayari ang mga ganitong bagay dito sa mundo at parte ito ng pagiging tao mo" Sabihin nalang natin na nangyayari ang mga bagay na to dahil nilaan talaga ito ng Diyos para hubugin ang ating pagkatao which is very essential to our daily competitive living. Imagine your life kung puro sarap nalang ang nararamdaman mo without any hassle or problems at all. I think it's boring. Sabi nga sa Math, "Problems are made to be solved". Walang problema ang hindi malulutas. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kayang lutasin. Just be patient enough and learn to trust yourself at all and i am pretty sure na masosolve din yan. And besides we have a lot of friends to talk to. I know out of 10 meron namang isang mapagkakatiwalaang kaibigan and just remember the greatest and perfect friend we have is Jesus Christ learn to talk to him not just if you want to have something or meron kang problema. And i am 101 percent sure na hindi ka lang nya sasagutin, tutulungan kapa niya. 

And one more thing we must "learn to appreciate every fraction of blessings we have". Kahit na nakaupo ka ngayon, nakatutok and bentilador sayo at binabasa mo ang walang kwentang blog ko. Sinasabi ko sayo Tol napaka swerte mo! Dahil maraming tao ang nagugutom at walang bahay na matitirahan samantalang ikaw hindi lang mabilan ng Android ng Iphone oh ng Tablet eh magwawala na. We are all blessings of God's creation kaya learn to think of something to give him in return. And if youve learned to appreciate things you have even the little one, believe me Walang ng mas sasaya pa sayo dahil daig mo pa si Manny Pacquiao. =)

0 comments:

 
;