10/18/2012
Ayus ang araw na toh, after computing our final grades in P.E guess what, naka 1.75 pa ko sa chess na wala akong kamalay malay, haha. Madali naman kasi ang finals regarding sa history and techniques lang sa chess. Naalala ko last semester na gymnastic ang P.E ko naka 1.75 din ako by group kasi yun at galit na galit ang mga groupmates ko dahil minsan lang ako umattend ng practice eh naka 1.75 pa ko, haha. Kasi naman busy din ang Kuya mo sa practice sa pageant. Yeah right, that time kasali ako sa pageant at ayoko ng pagusapan yun, haha bitter?. Hindi naman basta masyadong mahaba ang mga pangyayari. At isa pa nga pala tutal magbabakasyon din naman nag set ang mga kaklase kong lalaki ng tournament sa dota, mga kabarkada ko din yun dati kahit hanggang ngayon din naman, kaso hindi na ko nasasabay maglaro at umuwi kasama sila. Ang mga kasama ko nga yun ay dalawang lalaki na kasamahan ko din dati sa una kong barkada at tatlong babae, masaya kasi pag may babae. Tsaka ko na ikekwento yung tungkol dun pag may time, haha. Ayun, as usual talo kami sa first game kalabanin ba naman ang halimaw kong kaklase sa dota, kung baga sya yung pinakamalakas samin kasama pa yung isa kong kaklase na malakas din. Grabe imba ang line up, well wala na kong magagawa, tapos yung isa pa naming kakampi eh hindi naman sa pagmamagaling na farm pa, hinayaan pa naman namin na mag solo lane. Haha, ok lang yan first game pa lang naman may 2nd game pa, puso lang. Hanggang dito nalang para sa araw na toh, bukas nalang ulit finals pa namin sa computer lab.
Hindi pa rin sya nagpaparamdam,
Juan

0 comments:
Post a Comment