Thursday, October 18, 2012

Mechanics Final Examination at si Crush Nag - Reply

10/17/2012

Dapat kahapon ko pa na post to eh, umepal kc yung pinsan ko o sya eto na.

Yeah! Another finals done kanina sa Physics. Multiple choice lang naman lahat, 2 types ang exam, yung isa 1-50 ay comprehension parang application lang sa principles ng lahat na naituro at yung isa ay problem solving 51 - 75 (2 points each). Hanep yan mahirap pa yung comprehension type kasi ang daming terms patay ka kung hindi mo alam yung mga principles ni Pareng Einstein at Newton. Yung tipong 1st,2nd and 3rd law of motion samahan mo ng rectilinear, momentum at circular motion dagdagan mo pa sa concept ng conical pendulum. Hindi pa naman ako nagbasa basta nireview ko lang yung mga problems at formula, hanep na yan given naman pala. Bukas sa P.E naman which is chess, hindi ko alam kung bakit ang mga nagiging P.E ko ay yung mga larong hindi ko pa nalalaro sa tana ng buhay ko, last year basketball at gymnastics anu naman kaya sa susunod. Then sa Friday ay finals sa Computer Lab which is the application of C Language then tapos nun tapus na Yipeeee! Ewan ko kung ilan ang bagsak ko, ayoko ng bilangin yung pasa yung bagsak nalang ;(.

Regarding nga pala kahapon (10/16/2012), hindi na ko nakapag update tinatamad kasi ko. Tungkol dun kay crush, naka text ko na nga sya. Ako ang nag open ng conversation then guess what? Ang reply nya "cno to? sensya na yung number nyo po nakasave sa isa kong cp. Iba kasi gamit ko now" Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ko at nagreply sya o kung magtatampo ko kasi hindi man lang sya nagsabi na magiiba sya ng cp. Anyways wala naman akong karapatan basta ang mahalaga naka text ko sya, haha. Nagusap lang kami tungkol sa college life namin, then when the time I asked her kung sino ang lucky boy nya ang sagot nya ay "wala akong ganun, haha". Well good yun para sakin, ako ang bagay sa kanya haha. But kung kelan naman gumaganda ang usapan tsaka sya nagpaalam na test na daw nila sa accounting. I dont know kung escape goat nya lang yun sa topic o kung talagang totoo, basta after that conversation hindi na sya nagtext until now kahit sa mga gm ko. Yun lang. :(.



Nakakainis naman oh,
Juan (emo)

0 comments:

 
;