10/15/2012
Nakakapagod ang araw na toh dahil final exam sa Calculus at Social Science. Yung bang para kang grade 1 na walang ka alam - alam sa mga nangyayari tapos binigyan ka ng napakahirap na test sa Calculus, buseet lang. Sa totoo lang siguro masasagot ko yun kung nagaaral talaga ko ng mabuti at kung nagrereview ako, well the problem is still resides on me at wala akong pedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Regarding sa final examination namin sa SocSci eh ayus naman sa tingin ko maipapasa ko naman yung quiz ewan ko nga lang sa finals. Haha! Sige Juan tumawa ka ngayon for sure iiyak ka later.
Kidding aside, ang bumuo talaga ng araw ko ay yung makita ko ang tweet ng aking kaisa isang crush saying "I love when you text me first, cause then I know you're thinking about me. Text mo na ako ng "bia" rereplyan kita :)". Hindi kaya nakita nya lang yun, nagandahan at tsaka nya pinost? Pero kung ganun nga malamang may gusto syang patamaan sa post nya na yun. Hayys! Sino naman kaya yun? Oo umaasa akong sana ako nga yun pero ayokong masyadong umasa at baka madisappoint na naman ako. Kaya siguro hindi sya nagrereply sa mga gm ko kasi gm lang yun, baka gusto nya pm? Kaso ang epal kong kaklase pinaglaruan ang cp at ayun nalowbat hindi ko sya tuloy natext, 'till 7pm pa naman ang klase ko kanina. Siguro by tommorow text ko sya at sana maging maganda ang flow ng conversation namin kung sakaling magreply sya. Hanggang dito na lamang at akoy inaantok na and let's see what will happen tommorow.
Magandang gabi,
Juan


0 comments:
Post a Comment