Friday, April 27, 2012 0 comments

Pagbati


Index


10:51 ng umaga ang oras na sinusulat ko ang article na to habang tumatae sa toilet na pawis na pawis sa sobrang init, ang kulang nalang siguro budburan nalang ako ng paminta, asin at betsin panggisa na. Ito ang una at simula ng pag sulat ko sa blog na to. Wala akong pakielam kung binabasa nyo ngayon o kung nagagandahan o naiinis kayo sa mga sinusulat ko, bago kayo mag komento basahin nyo muna ang title ng blog ko. Ginawa ko ang ‘Ang Talaarawan ni Juan” upang magsilbing diary ng pang araw – araw na nangyayari sa buhay ko at kung anu ang naramdaman o natutunan ko sa mga pangyayaring iyon. Hindi ko rin iniisip kung pormal o inpormal ba ang pagsulat ko basta naipapaliwanag ko ng maayos ang nais kong iparating. Isusulat ko sa blog na to ang bawat detalye ng mahahalagang pangyayari sa buhay ko maging ang mga bagay na walang ka kwenta kwenta tulad ng pagkain ko ng Selecta ice cream double dutch habang nanunuod ng Red Dragon starring ang idol kong si Anthony Hopkins o kaya naman ang pag injan sakin ng crush ko ng i pi-em ko sya sa fb, grabe sakit kaya!
                                                                                                                                                                                         
 
;