Wednesday, June 13, 2012 0 comments

1st Day of my 2nd Year in College



The first day of my 2nd year in college was OK. It was just ok, nothing new except for the fact that our number is gradually decreasing from 57 i think nasa 49 nalang kame. Well ganun talaga sa college survival ang labanan kumbaga matira ang matibay. My first subject was Differential Calculus, my professor was horrible. The time we get in the classroom she immediately asked our class president to wear our i'ds and said that she is not allowing any student to enter her class without id. So what do you expect? The first impression was terrible[Sighs], luckily i brought my id so ligtas =). And she also pointed out our looks the way we dress, she explained it one by one and sorted out by gender, saying it like we are freshmen. Especially for the boys, she said that "tokong is not allowed" and suddenly looking to my classmate sitting two chairs besides me who was actually wearing a tokong pants. Another thing is the hikaw, "Wearing hikaw is strictly prohibited, would you want me to ask your Dean to get that for you?", she said to my classmate who was my friend sitting at my right and buti nalang tinanggal ko ang hikaw ko before entering the campus. And suddenly one of my fellow classmate is coming, absolutely late for about 15 minutes. When he was about to enter the room my professor said that she is not allowing any late student, so my poor classmate leaves upset. The density of the heavy momentum in our class does increased. As a student the first day of our class is very important and getting upset nor awkward is a thing that should be avoided. But for me i do like my professor, she is really a Math wizard. Why? Cause she proved that she is a rational one and not tolerating any every irresponsible acts for her students. She follow rules and therefore we must follow her rules. She wants us to be responsible enough because being an engineering students comes up with great expectations. "Kaya gusto ko sya tiyak na matututo ako sa prof. na to" sabi ko. At yun naman talaga ang gusto kong mangyari.


We have two subjects to meet for the first day but unluckily our Physics professor does not show up without informing us whether she will be meeting us or not. But its a big yes for all of us, we do have a lot of free time to do some leisure. So I and my fellow classmates ended up on computer shop to  play DOTA. Yipee. Wala namang masama kasi  hindi pa naman regular ang klase. Well that is my first day Its an OK, but i do thank GOD for giving me another year of my college and giving me the feeling that i am a Blessed One for HIS presence.
Sunday, June 10, 2012 1 comments

Ang Pangako ng Studyanteng Inhinyero




Panu ba yan pasukan na naman?

Halos hindi ko naman na feel ang dalawang buwan na bakasyon panu naman kasi nag summer class ako. Oo tama, nag summer ako, sa totoo lang nagpapetiks - petiks ako sa first year of college ko. Dahil medyo maluwag ang sched ko hindi ko iniisip ang mga bagay na dapat ginagawa ko, sa halip nag pa easy easy ako. Kala ko kasi parang sa highschool lang, na kahit mejo malate ako ayus lang o kaya naman kung mapagtripan kong umabsent okey lang basta may "revised excuse letter" ako. Pero iba pala talaga sa college, malate ka lang parang na missed mo na ang kalahating araw, ang umabsent pa kaya? Sa college nga pla walang paki elam ang mga prof. mo kung pumasok ka o hindi basta magtuturo sila as long na may studyante pang present sa klase. Pero may iba rin naman na prof. na spoon feeding ang way of teaching, iba iba depende parin talaga sa prof. mo. Madami rin akong late days na pagpasok kasi inisip ko minor naman ang first subject ko kaya ayus lang. Doon ko natutunan na kung ano pa ang minor sila pang ang masyadong pa importante pa major kung baga? Sangkatutak na assignments, memorization type of exams at sobrang mahal na projects. Naala ko tuloy yung project namin sa Filipino, may Film Showing daw at bibili kami ng ticket worth P150 for our project then mag pass kami ng reaction paper ngayon kung ayaw mong magbayad madali lang naman daw sabi ng Prof. ko dahil hindi sya namimilit, mag pasa nalang daw kami ng isang Filipino film review kompleto kasama ang lahat ng mechanics pati mga tauhan, settings, conflicts at dapat daw 50 pages ang minimum. Wagas! Nga-nga kaming lahat. Parang sinabi na ng Prof. namin na kung hindi kami bibili ng ticket magdusa kayo mga kuripot! Totoo nga yung sabi nila sa college, dala dala mo ang sarili mo. Instead of preparing for my incoming exams nag DOTA, natulog at nag nag fb lang ako. At hindi ko na rin matandaan kung kelan ako huling nagreview pag may exam. Naalala ko lang yung motto namin ng isa ko pang classmate "common sense lang yan", effective naman sya pagdating sa minor subjects pero kapag major na, "bahala na si Batman". As an Engineering student major namin ang sangkatutak na Math and Science like College Algebra, Trigonometry at Chemistry  yan ang tatlong halimaw na subject sa first year panira ng utak, kumbaga. Pero kaya naman basta magtiya - tiyaga ka lang. 


Pero hindi ko ginawa ang blog na to para mag reklamo nang mag reklamo sa mga bagay na nararanasan ko sa buhay kolehiyo kung hindi upang magsilbing diary ng pangaraw - araw kong buhay as an engineering student. Gusto kong isulat dito ang lahat na natutunan ko sa bawat pagkakamali na nagagawa ko. Gusto kong makita kung paano ako babangon sa bawat  pagbagsak ko. Gusto ko rin makita dito ang mga tagumpay sa kabila ng mga paghihirap ko.  Ito ang magsisilbing album ng buhay ko. This time iba na, may gusto kasi kong patunayan , na hindi na ako yung dati na pa easy easy lang, tamad at iresponsable. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman ako BOBO(tanga nga lang kung minsan). At gusto ko, minsan dadalawin ko na lang ang blog ko na toh, matatawa sa mga bagay na pinaggagawa ko at ma inspire sa mga storya I na pinopost ko dito. I dont wanna waste the another year of my college time for so many things na hindi naman talaga mahalaga. I must learn to set my priorities, kung ano ba talaga ang mas mahalaga then yun ang uunahin ko at tsaka na ang mga ibang bagay. Dapat malaman ko ang mga bagay na kailangan kong gawin at ang mga bagay na gusto ko lang gawin. This time totoo na toh. Promise! (Yan naka bold pa =D)






Ako si JUAN BANYAGA nangangakong "Pagbubutihan ko na ang aking pag - aaral sa abot ng aking makakaya".          


Juan Banyaga     

 
;