Friday, October 19, 2012

Life Must Go On

10/20/2012

Trip kong mag type ngayon kaya eto na ang update ko for this day kahit na hindi pa natatapos ang araw na to. Well, hindi pa rin ako nabubunutan ng tinik kasi hindi ko pa rin maaalis sa isipan ko na bagsak ako sa calculus at hindi pa jan natatapos ang aking kaba dahil alam ko sa sarili ko na alanganin parin ako sa physics, social science at draw. Galing ano? Wala akong kwentang estudyante at anak sinayang ko lang naman ang isang sem, at ang perang dugo't pawis na pinaghirapan ng papa ko at ang oras na kelan man hinding hindi ko na maibabalik. Saksi ka sa pagkain sakin sa mismong mga salita na sa akin nanggaling. Sa blog na toh nangako ako noon na magbabago na ko pero wala pa ring pinagbago ganun  parin yung dating Juan - tamad, iresponsable, hindi nagiisip, pabara - bara, mahilig sa rush at kung anu - anu pang hindi mo maiisip sa isang engineering student.

But to all worse things happening right now, I must say I deserved it. Ginusto ko to, alam ko ang mga pwedeng mangyari sa mga walang kakwenta - kwentang bagay na ginawa ko. Kaya haharapin ko to ng buong AKO. Isa tong exam na susubok sa kung gaanong katatag ang prinsipyo at paniniwala ko sa sarili ko. Yung nga lang hindi allowed ang erasures at pag bumagsak ka wala ng retake o removal exam. Pero isa lang ang masasabi ko, I DONT HAVE THE RIGHTS TO BLAME ANYONE EXCEPT TO MYSELF. HINDI AKO SUSUKO! HANDA AKONG PANAGUTAN KUNG ANUMANG KATARANTADUHAN ANG MGA PINAG - GAGAWA KO NOONG MGA PANAHONG DAPAT NAGAARAL AKO! 


Life must go on sabi nga nila, at alam ko sarili ko makakayanan ko to with the help of my friends, family and specially with the help of our LORD. :)





Emo ako,
Juan

0 comments:

 
;